Tahimik lang ako, wala namang inaaway
Pero pangalan ko sa kanto laging inaabang
Walang ginagawa, pero dami nilang kwento
Buhay ko ginawang teleserye sa kanilang mundo
Di ako maingay, di ako pala-pansin
Pero sa usapan nila, ako pa rin ang laman din
Gawa-gawa nila, parang totoo na
Mga bibig mabilis, pero utak wala na
Kahit nanahimik, ako pa rin ang topic
Mga marites d'yan, walang preno ang bibig
Kung wala kayong alam, wag na kayong makisali
Bago niyo ako husgahan, unahin niyo sarili
Tahimik pero target, ako laging nasa radar
Di niyo alam totoong laban ko sa loob, sa ulo ko, sa araw-araw
Kahit anong sabi niyo, di na ako papatol
Kasi alam ko yung totoo, kaya ako panalo
Tahimik lang sa gilid, pero ramdam yung sipa
Pinipigilan ko, baka lumabas ang siga
Di niyo kasi alam, ba't ako tahimik lang
Mas malakas ang kilos kaysa sa maingay na mayabang
Kaya sige mag-ingay, kung yan ang trip niyo
Ako busy sa plano, hindi sa chismis niyo
Pag umabot na sa dulo at makita niyo result
Masasakal kayo sa linya na kayo rin gumawa ng lubid niyo, bolt