
🎵 NATIVIDAD FAMILY
Intro:
Avelino at Miing, ang pinagmulan
Puso at pagmamahal, ang kanilang iniwan
sampo na anak, magkakaiba ng landas
Ngunit iisang ugat, iisang pag-asa’t lakas
Chorus:
Pamilyang Natividad, hindi man perpekto
May bangayan minsan, mga tawanan naman ay totoo
Sa hirap at ginhawa, laging magkatuwang
Puso ng pamilya, hindi kailanman mabubuwang
Verse 1
Panganay na si Intong, Roberto ang pangalan
Masipag sa construction, pawis ang puhunan
Tuwing Sabado’y nagpapakasasa sa inuman
Kay Reya ay may pito na anak — Daisiry, Busol, Imaw, Ami, Andring, Carmela, at Intong Jr.
May dalawang apo na, buhay ay puno ng kulay
Verse 2
Pangalawa’y si Inshang, Victoria ang pangalan
Lucero ang apelyido, kay Marlon ng Sawa’t nag-alay ng buhay na buo
May limang anak, panganay na magna cum laude
Tagumpay na dala, isang apo na ligaya sa tahanan
Verse 3
Pangatlo si Amang, Mario ang tunay na pangalan
Kay Mae ay walang sariling anak na nagmulat
Ngunit magkatuwang sa hirap at ginhawa
Pagmamahal na wagas, hindi kailanman magwawakas
Chorus:
Pamilyang Natividad, hindi man perpekto
May bangayan minsan, may tawanan din sa dulo
Sa hirap at ginhawa, laging magkatuwang
Puso ng pamilya, hindi kailanman mawawala
Verse 4
Pang-apat si Hermenio, bantay ng Pampangga
Security na matatag, sa tungkulin ay tapat
Si Benben ang kanyang anak, ligaya sa kanyang buhay
Malayo man minsan, ang puso parin ay nasa tahanan
Verse 5
Panglima’y si Monaliza, ang sumunod kay jinalyn na lumisan
Kay Nelso’y may tatlong anak— Tomas, Negra, Ambibing
Kapag lasing ay pasaway, sakit sa ulo
Ngunit sa mga anak, lambing ay totoo
Verse 6 —
Pang-anim si Beth Natividad Hernando
Asawa’y si Uncle Mateo , sana oll naka e-bike
Si Lordesa at Mateo, ang kanilang anak
Payak na buhay, pagmamahal walang kapantay
Koro:
Pamilyang Natividad, hindi man perpekto
May bangayan minsan, may tawanan din sa dulo
Sa hirap at ginhawa, laging magkatuwang
Puso ng pamilya, hindi kailanman mawawala
Verse 7
Pang-pito, Baby Jane ang pangalan, kay Joey Jess nakuha ang apilyedo
Siya ang inhinyero ng mga bahay na itinayo
Si Jamaica ang anak, ngunit minsan ay maypagka maring-maring
Verse 8
Pang-walo si Jessie, Sa Vlog siya’y kilala
Laging may abang-abang sa bawat miyembro ng pamilya
“Kaya kung alam mo’to, puntahan muna, tito jessie Abang-abang”
si Reden ang asawa , sa latu-lato hindi sila nagsasawa
Siya ang gumawa ng kanta — insert natin si Pawpaw, ang marites na pamangkin
Verse 9
Pang siyam si jinalyn, mas nauna kay monang na lumisan
Maliit man ang katawan, paglalako’y naging karanasan,
Nagsumikap mag-isa, matapang at masipag
Sa puso ng pamilya, hinding-hindi malilimutan
Verse 10
Bunso si Rojelita, kay Cario ang tadhana
Pangalan pa lang akala mo’y macho — ngunit pag nakita mo
Mapapa “Sabikuna Barbie” ka talaga
Si Olanda, ang anak na maring-maring din
Koro:
Pamilyang Natividad, hindi man perpekto
May bangayan minsan, may tawanan din sa dulo
Sa hirap at ginhawa, laging magkatuwang
Puso ng pamilya, hindi kailanman mawawala
Wakas:
Avelino at Miing, ito ang inyong pamana
sampo na anak, magkakaiba ng kwento
Ngunit iisang dugo, iisang tahanan
Natividad — magpakailanman, magkakasama.